Ang Puno sa may Palaruan (The Tree by the Playground)
Hindi mo alam kung kailan darating sa iyong buhay ang iyong mga kaibigan. Nakilala ko siya sa palaruang nasa tabi ng aming tirahan. Tumatangis siya dahil nabitawan niya ang mga lobo at ngayo'y nakasabit sa mga sanga ng puno. Inakyat ko ito at ibinalik sa kanya ang mga lobo. Kami'y lumaking magkasama, doon sa ilalim ng puno sa may palaruan. Hindi mo alam kung kailan kang matututong magmahal. Sabay kaming nag-aral sa Pasig High school. Ako'y nagbinata, at siya'y nagdalaga at saka ko nalang natuklasan na nahulog na pala ako sa kanya. Isang araw, pinapunta ko siya sa palaruang aming pinupuntahan. Inamin ko sa kanya ang aking nararamdaman at tinanggap niya ako, doon sa ilalim ng puno sa may palaruan. Hindi mo malalaman ang tamang panahon, kung wala kang tapang. Pareho kaming nagkolehiyo at kinalauna'y nagkatrabaho. Noong sapat na ang aking ipon, naghanda na ako para sa pag-propose sa kanya. Tin