Posts

Showing posts with the label short story

Ang Puno sa may Palaruan (The Tree by the Playground)

                    Hindi mo alam kung kailan darating sa iyong buhay ang iyong mga kaibigan. Nakilala ko siya sa palaruang nasa tabi ng aming tirahan. Tumatangis siya dahil nabitawan niya ang mga lobo at ngayo'y nakasabit sa mga sanga ng puno. Inakyat ko ito at ibinalik sa kanya ang mga lobo. Kami'y lumaking magkasama, doon sa ilalim ng puno sa may palaruan.                     Hindi mo alam kung kailan kang matututong magmahal. Sabay kaming nag-aral sa Pasig High school. Ako'y nagbinata, at siya'y nagdalaga at saka ko nalang natuklasan na nahulog na pala ako sa kanya. Isang araw, pinapunta ko siya sa palaruang aming pinupuntahan. Inamin ko sa kanya ang aking nararamdaman at tinanggap niya ako, doon sa ilalim ng puno sa may palaruan.                     Hindi mo malalaman ang tamang panahon, kung wala kang tapang. Pareho...

Bangungot

Image
            Natagpuan ko ang aking sarili sa ilalim ng dagat. Hindi ko matanaw ang lalim nito. Pinilit kong lumangoy tungo sa ibabaw, ngunit sa bawat kumpas at galaw ay lalo akong lumulubog. Sumuko na lamang ako, at hinayaan kong lamunin ako ng kailaliman ng dagat.                Doon ako nagising.             Dumating nanamang muli ang umaga. Ang init ng araw ay dumadaplis na sa aking mga paa. Napabuntong-hininga ako habang bumabangon at sinuot ko ang aking mga tsinelas. Tila hiwalay ako sa katawang ito ngunit ang alam ko na lahat ng mayroon ako noon ay naglaho nang walang anu-ano. Nilisan ko ang aking kwarto at hinayaan ko nang tumakbo ang daloy ng buhay: naligo, kumain, nag-ayos, naghanda na para sa pagpasok sa paaralan. Kinuha ko ang aking mga gamit at lumabas na sa bahay tungo sa eskuwela.         ...

Whisper

Image
What if death was about to come to you? What if you were accused of a sin you've never made? What if your loved ones would be put on danger because of you? I was a witness of a crime that had been known for its vulgarity and mercilessness. A crime that killed a family. A crime blamed on me. I was the witness, the witness of the sin, yet I was referred to as the killer. I was there: I held the knife, my clothes were drenched in blood, and at my foot were two corpses of a man and a woman. I was called the murderer of this homicide. I was the one who pierced the heart of the woman. I was the one who slit the throat of the man. I was the one who witnessed their last breaths. I was innocent. I did not know how it happened. I would never do that to the man that I treated as my refuge. I would never do that to the woman I treated as my comfort. I would never do that to the family that is my home and what I could call  mine . I was conquered by a very fearsome force. A...